PDEA at PNP tiniyak na naaayon sa batas ang kanilang anti-illegal drug ops

0
12

Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police na naaayon sa batas ang kanilang mga anti-illegal drug operations.

Ito ang parehong iginiit ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino at PNP-Officer in charge Lt. Gen. Archie Gamboa sa pangalawang pangulo na siya ring co-chairperson ng Anti-Illegal Drugs Committee ng pamahalaan.

Ayon kay Aquino, transparent ang lahat ng kanilang operasyon at sinusunod nila ang batas.

Kaugnay nito, nanindigan naman si Gamboa na walang batas na nilabag ang pulisya sa kanilang mga operasyon.

Ito ay sa gitna ng panawagan ng pangalawang pangulo na dapat wala nang inosenteng buhay ang mabubuwis sa ngalan ng war on drugs.

Binigyang diin naman ni Robredo na ang sukatan ng tagumpay ng war on drugs ay kung ilang drug dependents ang nagbagong buhay o na rehabilitate.

Dagdag pa nito, dapat rin na mayroong listahan ang pamahalaan hinggil sa drug free na barangay sa buong bansa.

Matatandaang, batay sa datos ng pulisya lumalabas na pumapalo na sa 5,000 ang nasawi sa  operasyon kontra iligal na droga.