VP Robredo aminadong malaki ang problema ng Bicol Region sa iligal na droga

0
12

Aminado si Vice President Leni Robredo na malaki ang problema ng kaniyang home town na Naga City pagdating sa illegal drugs.

Ayon kay Robredo, nais niyang makuha ang datos hinggil sa illegal drugs sa Bicol Region dahil ang iligal na droga ang isa sa malaking problema ng Naga at Legazpi City dahil ito ang malalaking lungsod sa Bicol Region.

Kasabay nito, pinulong naman ni Robredo ang mga lider mula sa Naga City Dangerous Drugs Board, City Anti-Drug Abuse Council at barangay officials ng lungsod.

Sinabi pa ni Robredo na nais niyang mapag-planuhan kung paano mahihinto ang pag-susuplay ng iligal na droga sa Bicol Region at iba pang mga lugar.

Sa ngayon, naisumite na ni Robredo ang kaniyang unang report kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kaniyang mga nakalap na impormasyon hinggil sa illegal drugs at kaniyang mga mungkahi kung paano ito malalabanan.

Gayunman, nilinaw naman ni Robredo na bagamat nais niyang mahinto na ang “Oplan Tokhang” ay limitado lamang ang kaniyang kapangyarihan bilang co-chairperson ng Inter Agency Committee on Ant illegal Drugs (ICAD).

“Isa talaga yung drugs sa malaking problema dahil yung Naga, Legaspi, ito yung mga ton shipment kasi ito yung mga malalaking cities. Hindi siya comparative sa iba. Ang sinasabi ko lang, dito ay may problema din. Hindi na mas malaki ang problema dito over others kasi wala pa kong datos na ganun. Nadala na namin yung first report, siguro by middle of next week? Ipapadala na namin yung next report. Gusto ko lang na alam ni presidente yung lahat ng nangyayari,” ani Robredo.