PACC pormal nang inilunsad ang “Katarungan Desk”

0
12

Pormal nang inilunsad ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC ang “Katarungan Desk” na bahagi ng kampanya para labanan ang korapsyon sa pamahalaan.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, sa ilalim ng programa magkakaroon ng ‘Katarungan Desk’ sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan maging sa istasyon ng LRT, MRT at PNR.

Sa nasabing programa, maaaring isulat ng publiko ang kanilang mga reklamo sa isang pirasong papel na ihuhulog sa mga drop box.

Tiniyak naman ni Belgica na mahigpit na babantayan ng mga tauhan ng Philippine National Police o PNP ang bawat “Katarungan Desk’ sa mga ahensiya ng pamahalaan.