Vintage bomb napulot ng mga bata sa ilog sa Tondo Manila

0
56

Isang Vintage Bomb ang nakuha ng mga bata sa isang estero sa Tondo, Maynila.

Ayon sa Manila Police District, nangangalakal ng basura ang mga ito nang natagpuan ang bomba.

Sinubukan pa umanong ibenta ito ng mga bata sa isang Junkshop na siya namang nagsuko sa mga pulis.

Kinordon ng mga otoridad ang bomba sa pangambang sumabog ito.