Mga bagong Senador minaliit lang ang bantang Impeachment laban kay Pangulong Duterte

0
45

Nagkaisa ang mga baguhang Senador na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabing walang rason para maghain ng Impeachment Complaint laban sa Pangulo.

Kasunod ito ng pahayag ni Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na maaring ma Impeach ang Pangulo na dahil sa kabiguan nitong protektahan ang teritoryo ng bansa laban sa China.

Ayon kay Senator Imee Marcos, pasabog lamang ang isyu ng Impeachment laban sa Pangulo dahil malinaw naman aniyang walang Impeachable Offense.

Sinabi naman ni Go na karapatan ng bawat pilipino na maghain ng Impeachment Complaint kung sa tingin nila ay may  nilalabag ang Pangulo.

Ngunit naniniwala si Go na nag iisip ang Pangulo dahil isa itong abogado at anoman aniya ang nagiging desisyon nito ay para umano sa ikabubuti ng bansa.