PNP kumbinsidong Pilipino ang nasa likod ng pagsabog sa Sulu

0
46

Naniniwala ang PNP o Philippine National Police na hindi dayuhan kundi mga pilipino ang siyang nasa likod ng suicide bombing incident sa Indanan, Sulu.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, mismong ang mga Armed Forces of the Philippines ay kinilalang mga pilipino ang salarin sa likod ng pagsabog.

Sa kabila nito, pagpapatuloy aniya ang imbestigasyon para sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

Kung magkakataon, ito na ang kauna unahang kaso ng lokal na Suicide Bombing sa bansa.

Matatandaang 2 Suicide Bomber ang hinihinalang nasa likod ng pag atake sa isang Military Camp kung saan 5 ang nasawi habang 12 ang sugatan.