Villavert otorisado mag-isyu ng search warrants — Peralta

0
24

Walang plano ang Korte Suprema na kusang imbestigahan ang Quezon City Judge na nag-isyu ng search warrants na nagresulta sa pagkakaaresto ng nasa 60 aktibista sa Negros at Tondo Maynila.

Ayon kay Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta, sinunod naman ni Quezon City Judge Cecilyn Burgos-Villavert ang lahat ng panuntunan na ipinasa ng Korte Suprema.

Gayunman, sinabi ni Peralta na inaantay pa nila kung mayroong pormal na reklamo laban kay Villavert.

Ipinaliwanag ng Chief Justice na otorisado si Villavert na mag isyu ng search warrants sa labas ng kanyang hurisdiksyon.

Maaari anyang nakumbinsi si Villavert na mag-isyu ng warrant matapos itong magpatawag ng mga pagdinig.