New Clark City handa na para sa 2019 SEA Games

New Clark City handa na para sa 2019 SEA Games

by Powered by DWIZ
0 comment 14 views

Handang handa na ang New Clark City para sa Southeast Asian (SEA) Games na tatakbo mula November 30 hanggang December 11.

Ayon kay BCDA President Vince Dizon, fine tuning na lamang ang kailangan para sa mga nakatokang lugar sa New Clark City.

Nasubukan na rin anya ang mga pasilidad sa ginanap na pre-qualifying competitions  sa swimming at athletics noong August 1, hanggang September 3.

Maliban sa Clark City, may mga sports events rin na idaraos sa Subic, SM MOA, Tagaytay at Batangas.

Ang opening ceremony para sa SEA Games ay gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan.

0 comment

Related Posts