Japanese PM Shinzo Abe hindi kailanman makakaapak sa North Korea

Japanese PM Shinzo Abe hindi kailanman makakaapak sa North Korea

by Powered by DWIZ
0 comment 13 views

Hanggang pangarap na lamang umano ang paghahangad ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na makausap si North Korea Leader Kim Jong Un.

Sa statement ni Song Il Ho, ambassador ng North Korea , tinawag nitong tanga at kontrabida si Abe.

Reaksyon ito ng North Korea sa pagkundena ni Abe sa pagpapakawala ng ng North Korea ng super large multiple rocket launchers noong October 31.

Sinabi pa umano ni Ho na hindi kailanman makakaapak si Abe sa North Korea matapos nitong maliitin at tuligsain ang mga ginagawang hakbang ng North Korea para sa self defense.

0 comment

Related Posts