Sunday, May 5, 2024

Video ng isang babaeng Chinese nag-viral matapos manakit, magwala sa Makati

- Advertisement -

Viral ngayon ang video ng isang babaeng Chinese na nananakit at nagwala sa Makati City.

Batay sa ulat, pinigilan ng isang siklista ang naturang babae na tumawid sa panulukan ng Jupiter at Makati Avenue dahil naka-‘go’ pa ang signal at baka ito masagasaan.

Ngunit makikita sa video na dinuro-duro ng babaeng dayuhan ang siklista, sinipa ang bisekleta nito, tinusok ng payong at pinalo pa ang ulo nito.

Ayon naman kay Ronel Cancio, public safety department officer, pinigilan nilang tumawid ang naturang babae kaya’t nilapitan niya ito ngunit sinaktan din siya nito.

Sa isa pang video kung saan makikitang nakaposas na ang dayuhan habang nakaupo sa sahig matapos na magwala naman sa isang kainan at nanira ng mga lamesa.

Nakuhanan rin sa video ang pagdura ng babae sa isang guwardyang rumesponde sa kaniya.

Patuloy namang inaalam ng mga otoridad kung may problema sa pag-iisip ang babae o ito nasa ilalim ng impluwensya ng droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img