Verbal agreement nina Pangulong Duterte at Pres. Xi walang bisa — Karlo Nograles

0
56

Nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na walang bisa ang verbal agreement nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Ito ang binigyang diin ni Nograles kaugnay ng naging verbal agreement nina Pangulong Duterte at President Xi na hayaan ang China na makapangisda sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Anya, hindi national policy ang kasunduan ng dalawang lider.

Paliwanag pa nito, hindi legally binding ang naturang kasunduan hangga’t walang kasulat at walang nailalatag na terms and conditions.

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maituturing na legally binding at national policy na ng Pilipinas ang kasunduan nina Pangulong Duterte at President Xi Jinping na makapangisda ang mga Chinese sa EEZ ng bansa.