Isang hinihinalang kumander ng MILF arestado sa Antipolo

0
44

Arestado ang isang hinihinalang kumander ng MILF o Moro Islamic Liberation Front sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Antipolo City, kahapon.

Nakilala ang suspect na si Jamel Borar na nakuhanan ng MILF ID At di umano’y brigade commander ng 119th base command ng NEMF—BIAF na nakabase sa Dilabayan Bubong, Lanao Del Sur.

Si Borar ay wanted din sa kasong pananambang sa limang mga opisyal ng PDEA.

Narekober naman sa naturang suspect ang isang sachet ng shabu, at 9 na medium size sachets na nagkakahalaga ng 375,000 piso.

Sa ngayon, mahaharap naman si Borar sa kasong multiple murder at double frustrated murder dahil sa partisipasyon nito sa pang-a-ambush ng mga PDEA agents habang ikinakasa pa naman ang kaso na isasampa dito sa pagbebenta ng iligal na droga.