Deliberasyon sa pagbalangkas ng national budget ipinasasapubliko

0
48

Ipinasasapubliko na ni Senator Panfilo Lacson ang deliberasyon sa pagbalangkas ng national budget.

Sa ilalim ng senate bill 24, ipinanunukala ni Lacson na payagan ang publiko na personal na mapanood at makibahagi sa talakayan ng mga mambabatas na humihimay ng pambansang pondo mula sa mga komite hanggang sa Bicameral Conference Committee.

Ayon kay Lacson, panahon na para kilalanin ng Kongreso ang kahalagahan ng direktang partisipasyon ng mamamayan sa budget deliberations.

Kaugnay nito, tiwala rin si Lacson na sa pamamagitan nito ay mahihirapan ang mga mambabatas sa pagsingit ng pork barrel dahil masusuri ito ng publiko.