30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Velasco tiwalang igagalang ni Cayetano ang kasunduan hinggil sa term sharing sa House speakership

- Advertisement -

Tiwala si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco na igagalang ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang kasunduan nila hinggil sa term sharing sa speakership ngayong 18th Congress.

Ipinaalala ni Velasco ang gentleman’s agreement nila ni Cayetano na matatapos ang termino bilang House speaker sa October 2020.

Inamin ni Velasco na maaga pa naman para pag usapan ang kanilang naging kasunduan lalo pa’t nakatuon ang kaniyang atensyon sa kaniyang trabaho bilang chairman ng House Energy Committee at pagpasa ng mga panukalang makakatulong sa pagpapababa ng singil sa kuryente sa bansa.

Bukod dito, inihayag pa ni Velasco na magkakaroon pa rin naman ng botohan sa speakership post kahit pa may kasunduan na sila ni Cayetano.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -