3 araw na pahinga ni Pangulong Duterte simula na bukas

0
22

Sisimulan na bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagliban muna sa kaniyang trabaho.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tatlong araw na magba bakasyon at magpapahinga muna ang pangulo dahil tambak na aniya ang trabaho nito.

Sinabi pa ni Panelo na pinakinggan ng pangulo ang payo ng kaniyang mga kaibigan, pamilya at doktor na magpahinga muna at sa Davao lamang ito mananatili kasama ang kaniyang pamilya.

Muling inihayag ni Panelo na walang medical concern ang pangulo kaya’t walang dapat ikabahala ang publiko.