Konstruksyon ng MRT 7 halos 50 porsyento nang tapos

0
15

Halos 50 porsyento nang tapos ang konstruksyon ng MRT line 7.

Ipinabatid ng Department of Transportation o DOTr na batay sa pinakahuling project status report, nagsasagawa na ng civil works sa underground/depressed at-grade at elevated guideway.

Puspusan na rin ang civil works sa 9 mula sa kabuuang 14 na istasyon.

Tuloy din ang trackworks installation sa 22 kilometer project.

Kapag natapos na ang MRT 7 sa 2022, aabutin na lamang ng 35 minuto mula sa da-dalawa hanggang tatlong oras na biyahe para makapunta mula Quezon City hanggang San Jose Del Monte sa Bulacan at pabalik.