Vape regulations pinanawagan ng DOH

0
48

Nanawagan ang Department of Health (DOH) para sa regulasyon ng e-cigarettes matapos halos masira ang bunganga ng isang 17-year-old nang sumabog ang depektibong vape nito.

Sinabi ni Health Spokesman Undersecretary Rolando Enrique Domingo na dapat ma regulate ng Food and Drug Administration (FDA) ang vaping at lahat ng nicotine delivering devices.

Hindi lamang aniya nila nais i-regulate ang content kundi maging ang delivery system at mga bagay na ginagamit nila lalo na yung may mga posibilidad na sumabog.

Ang panawagan ng DOH para sa vape regulation ay suportado ng World Health Organization (WHO) at Philippine E-cigarette Industry Association.

Ayon kay WHO Country Representative Dr. Gundo weiler, ipinagbabawal ang vaping sa Singapore at Finland samantalang may regulasyon sa paggamit nito sa United Kingdom at Canada para sa mga ayaw nang manigarilyo.