NTC handa na sa pagpili ng gobyerno sa 3rd telco player

0
57

Handa na ang National Telecommunications Commission (NTC) sa anito’y tapat na pagpili ng gobyerno sa ikatlong telco player bukas, Nobyembre 7.

Ipinagmalaki ito ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa ginawang mock bidding at siniguro nito ang kaalaman ng selection committee, technical working group at secretariat sa pag-proseso sa dokumento ng mga kumpanyang magsusumite ng bid.

Tiniyak ng NTC na mahigpit din ang seguridad na ipatutupad nila sa mismong araw ng selection sa pamamagitan ng presensya ng mga pulis at bomb sniffing dogs.

Ipinaliwanag naman ni DICT acting Secretary Eliseo Rio na dadaan sa masusing document verification phase ang bidders.