Senador hindi kumbinsido sa planong pagbili ng P2-B halaga ng krudo sa Singapore

0
53

Tila hindi kumbinsido si Senador Sherwin Gatchalian sa planong pagbili ng Philippine National Oil Company (PNOC) ng dalawang bilyong pisong halaga ng diesel o krudo sa Singapore.

Ito ayon kay Gatchalian ay dahil walang katiyakan kung mapapakinabangan talaga ng jeepney drivers ang aangkating murang krudo.

Sinabi ni Gatchalian na halos 180,000 jeepney franchise holders ang kumukunsumo ng mahigit 161 litro ng krudo kada buwan at 31 porsyento lamang nito ang planong angkatin ng PNCO na nagkakahalaga ng 50 milyong piso.

Malabo talang makinabang ang jeepney drivers sa nasabing plano matapos unang i-anunsyo ng PNOC na ipagbibili lang ang imported diesel sa mga maliliit na kumpanya ng langis na may 3,000 gasolinahan sa bansa.

Sa halip, binigyang diin ni Gatchalian na dapat paigtingin ang pantawid pasada program at mahigpit niyang isinusulong na mabigyan ng P20,000 halaga ng fuel aid ang jeepney drivers sa susunod na taon sa halip na ibaba ito sa P10,000 dahil sa pagsuspindi sa fuel excise tax.

(with report from Cely Ortega-Bueno)