34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Van, Sumalpok Sa Pader Nang Makatulog Umano Ang Driver; Pahinante, Patay

- Advertisement -
Sorsogon City – Patay ang isang pahinante at sugatan ang isa pa sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy.  Bucalbucalan, West District sa lungsod ng Sorsogon matapos na sumalpok sa pader ang sinasakyan nilang van nang makatulog umano sa biyahe ang driver nito.
Biyaheng Bulan umano ang van galing sa Camarines Sur nang bumangga ito, 5:30 kaninang umaga sa pader ng bahay na pag-aari ni Gng. Nelly Jintalan.
Kinilala ang mga biktima na si Paolo Orlanda Talagtag, 25-anyos at Allan Latonio Baracina, 19-anyos parehong helper at residente ng Brgy San isidro, Pili, Camarines Sur habang ang driver ay nakilalang si Bebot Evedor Pasibe,34-antos, may asawa at naninirahan sa Brgy Catagbacan, Goa, Camarines Sur.
Nagawa pang isugod ng rescuer ng CDRRMO sa ospital ang mga sugatan subalit si Talagtag ay idineklarang ‘dead on arrival’ ng sumuring doktor, nagtamo naman ng minor injuries si Baracina.
Ayon sa mga pulis, nakatulog ang driver. Tumanggi itong magbigay ng pahayag hinggil sa insidente.
Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kasong isasampa sa driver ng van.

(Source: Baretang Rinconada Facebook page)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -