USA panalo kontra Czech Republic sa FIBA WC

0
47

Hindi na nakabangon pa ang Czech Republic sa team USA sa kanilang paghaharap sa FIBA World Cup.

Sa iskor na 88-67 wagi ang team USA na pinangunahan ng 16 na puntos ni Donovan Mitchel habang mayroong 14 na puntos si Harrison Barnes.

Nag-ambag naman ng 13 puntos si Kemba Walker habang mayroong 10 puntos si Jayson Tatum.

Unang bahagi pa lamang ng laro ay hawak na ng USA ang kalamangan at hindi na hinayaan pa na makalamang pa ang Czechs.