Bagyong Liwayway bahagyang lumakas

0
61

Bahagyang lumakas pa at bumilis ang bagyong Liwayway na inaasahang magiging tropical storm sa loob ng 24 oras.

Gayunman, maliit ang tyansa nitong tumama sa kalupaan.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang  bagyo sa layong 335 kilometro hilagang-silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 365 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras at may pagbugsong aabot sa 35 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 35 kilometro bawat oras.