Hearing sa GCTA aarangkada ngayong araw

0
51

Aarangkada na ngayong araw ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa kuwestiyunableng pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ito ay matapos umani ng batikos mula sa iba’t-ibang opisyal ng gobyerno ang naudlot na paglaya ni dating Calauan Mayor at convicted rapist at murderer na si Antonio Sanchez sa ilalim ng naturang batas.

Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Senator Richard Gordon, ipina-subpoena na ng Senado si BuCor Chief Nicanor Faeldon matapos nitong mag-abiso sa Senado na hindi siya madadalo sa naturang pagdinig.

Aniya, walang kawala si Faeldon sa ikakasang imbestigasyon ng Senado hinggil sa naudlot na paglaya ni Sanchez, at sa halos 2,000 inmates na napalaya dahil pa rin sa GCTA.

Kaugnay nito, umaasa rin naman si Gordon na dadalo rin sa pagdinig ngayong araw si Justice Sec. Menardo Guevarra.