US Secretary of State Pompeo nakatakdang bumisita sa Pilipinas

0
43

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si US Secretary of State Mike Pompeo, sa susunod na linggo.

Ayon kay Robert Palladino, tagapagsalita ng US State Department, nakatakdang magkaroon ng pagpupulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pompeo, sa pagdating ng US official sa Pilipinas sa darating na Huwebes, Pebrero 28.

Kinumpirma rin naman ng White House na ang nasabing pagpupulong ay upang palakasin ang bilateral relations ng Pilipinas at Estados Unidos.

Samantala, tiniyak naman ng Philippine National Police o PNP na nakalatag na ang seguridad sa pagbisita ng US official, kung saan pangungunahan ng Presidential Security Group o PSG ang pagbibigay ng close-in security sa naturang top US envoy.