NEDA kumpiyansang malaking ginhawa ang dulot ng Universal Health Care Act

0
48

Kumpiyansa ang NEDA o National Economic and Development Authority na malaking ginhawa ang dulot ng Universal Health Care Act sa mga Pilipino.

Ayon kay NEDA Officer-in-Charge Adoracion Navarro, makatutulong ang nasabing batas upang masugpo ang anumang banta ng paglala ng sakit ng mga Pilipino.

Sa ilalim ng nasabing batas, otomatikong magiging miyembro ng PhilHealth o Philippine Health Insurance Corporation ang lahat ng mamamayan.

Dahil dito, mabibigyan na ng malawak na health care coverage at benepisyo ang mga Pilipino.