DENR handa na sa isasagawang dredging sa Manila Bay

0
48

Handang handa na ang DENR o Department of Environment and Natural Resources para sa isasagawang dredging o paghuhukay para matanggal ang mga burak, at mga basura sa Manila Bay.

Ito ay matapos inspeksiyunin ni Environment and Natural Resources Sec. Roy Cimatu ang ilang mga heavy equipment na gagamitin para sa naturang dredging.

Dagdag pa ni Cimatu, isasagawa ang unang bahagi ng dredging sa bandang US Embassy, sa darating na Marso 3.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng Manila Bay rehabilitation na nag-umpisa noong Enero 27.