33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

US nagdeklara ng public health emergency sa dahil sa nCoV outbreak

- Advertisement -

Nagdeklara na ang Estados Unidos ng public health emergency dahil sa novel coronavirus outbreak.

Ito ang inanunsiyo ni US Health and Human Services Sec. Alex Azar dahil sa patuloy na pagkalat ng novel coronavirus sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Dahil dito, opisyal nang ipinag-utos ng Estados Unidos ang travel ban sa lahat ng biyahero na magmumula sa China, at mga indibidwal na nanggaling sa China simula nang pumutok ang nCoV outbreak.

Kaugnay nito, sinabi ni Azar na isasailalim sa mandatory 14-day quarantine ang lahat ng US citizens na may travel history sa Hubei Province sa nakalipas na 14 na araw.

Dagdag pa ng US official, lilimitahan din ng Amerika sa pitong paliparan ang biyahe patungong China.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -