30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

US malaki ang tsansa maging bagong episentro ng COVID-19

- Advertisement -

Malaki ang tsansa na ang Estados Unidos na ang maging bagong episentro ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ayon sa World Health Organization (WHO) dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Amerika.

Ayon sa WHO, mabilis kasi ang naging pagkalat ng virus sa Amerika kung saan sa nakalipas lamang na 24 oras ay naitala sa Estados Unidos ang 40 %  ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo habang ang 85,000 kaso naman ay mula sa Europa.

Sa ngayon, nasa 42,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika.

Gayunman, sinabi naman ng WHO na maari namang mapigilan ang pagkalat ng kaso ng COVID-19 dahil sa komprehensibong testing at ang mas pinaigting na isolation na ipinatutupad sa Estados Unidos.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -