35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

NEDA: Nanganganib na mawalan ng trabaho aabot sa 1-M workers dahil sa ‘enhanced community quarantine’

- Advertisement -

Aabot sa 1-M manggagawa ang nanganganib na mawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa rehiyon ng Luzon.

Ito ay batay sa pag-aaral ng National Economic and Development Authority (NEDA) kung nasa 61,000 hanggang 1-M manggagawa ang posibleng ma-apektuhan sa isang buwang enhance community quarantine sa Luzon.

Ayon sa NEDA, batay kasi sa umiiral na guidelines ng enhance community quarantine, tanging ang mga kumpanya lamang na nagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng tao gaya ng mga kumpanyang may kinalaman sa pagkain, tubig,  health services, banking services, pharmacies, utilities at iba pa ang papayagang makapag-operasyon habang umiiral ang quarantine.

Sa report ng neda, malaking mahalaga ang malulugi sa mga malls, retail trade, airport, non-food and non-health services dahil sa nasabing quarantine protocols.

Dagdag pa ng neda, posibleng umabot din sa P298-B hanggang P1.1-T ang halaga ng posibleng malugi sa pamahalaan.

Katumbas ito ng 1.5%  hanggang 5.3 % ng gross domestic product (GDP) ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -