Sunday, May 5, 2024

Duterte pinasalamatan ang mga frontliners sa pagsugpo sa COVID-19

- Advertisement -

Taos pusong pinasalamatan ni Pangulo Rodrigo Duterte ang mga doktor, nars at iba pang health workers na itinututiring na front liners sa pagsugpo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kaniyang pagharap sa publiko, sinabi ng pangulo na labis ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng health workers na patuloy na lumalaban at ibinu-buwis ang kanilang buhay matiyak lamang ang kaligtasan ng bawat Pilipino mula sa nakamamatay na virus.

Kasabay nito, ipinarating din naman ng pangulo ang kaniyang pakikidalamhati’t pakikiramay sa pamilya’t kaibigan ng mga nasawing doktor dahil sa COVID-19.

Sinabi ng pangulo na maituturing silang bayani dahil sa serbisyong ibinigay nila para sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img