US hindi nakikipag unahan sa paggawa ng COVID-19 vaccine

0
29

Hindi nakikipag unahan ang Estados Unidos sa paggawa ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang ginawang paglilinaw ng Amerika, kasunod ng naging pahayag ng bansa na duda ito sa bakuna ng Russia dahil hindi umano ito transparent sa mga impormasyon kaugnay sa Sputnik V.

Ayon kay US Health Secretary and Human Services Alex Azar, mahalaga na matiyak na ligtas at epektibo ang bakuna laban sa COVID-19.

Samantala, lumagda naman ang Brazil State of Parana sa kasunduan sa Russia upang subukan ang Sputnik V.

Anila, oras na mapatunayang ligtas at epektibo ito ay posibleng simulan na ang produksyon nito sa kalagitnaan ng taong 2021.