Pangulong Duterte posibleng sa Mayo 2021 pa mabakunahan ng Sputnik V —Spox

0
18

Inanunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque na posibleng sa May 1, 2021 pa mapabakunahan si Pangulong Rodrigo Duterte ng Sputnik V.

Ang Sputnik V ay ang bakuna na ginawa ng Russia laban sa COVID-19.

Paliwanag ni Roque, sa April 2021 pa kasi magiging available ang Sputnik V sa Pilipinas.

Dadaan pa kasi aniya ito sa tatlong yugto ng clinical trials na sabay namang gagawin sa Pilipinas at Russia at tatagal hanggang Marso 2021.

Samantala, tiniyak naman ni Presidential Security Group (PSG) commander Col. Jesus Durante na papayagan lamang ang pangulo na mapabakunahan ng Sputnik V kapag inaprubahan na ito ng Food and Drug Administration (FDA).