US Embassy itinangging papalitan na si Amb. to the Philippines Sung Kim

0
49

Itinanggi ng US Embassy na papalitan na si Ambassador to the Philippines Sung Kim.

Ayon sa US Embassy, September 2018 nang i anunsyo ng White House ang kagustuhan ng US president na i nominate si Mina Chang para maging assistant administrator ng US Agency for International Development para sa Bureau of Asia.

Ang nominasyon anito ni Chang sa USAID position ay nai-refer na sa Foreign Relations Committee ng US Senate noong Enero subalit wala ng lumabas na anumang anunsyo pa ang White House hinggil dito.

Si Chang ay kasalukuyang deputy assistant secretary ng Bureau of Conflict and Stabilization Operations ng US Department of State.