Subpoena vs. Duque at kapatid nito hiniling sa Ombudsman

0
46

Hiniling sa Ombudsman ng mga petitioner sa kasong graft at plunder laban kay Health Secretary Francisco Quque ang paglalabas ng Subpoena laban sa kalihim at kapatid nito sa rental issue ng Philhealth.

Hinimok ng complainants na i summon o ipatawag sina Duque at kapatid nitong si SSS Commissioner Atty. Gonzalo Duque at atasang magsumite ng kanilang SALN at personal data sheets.

Si Duque ay nahaharap sa kasong plunder matapos umanong pumayag bilang ex officio chair ng Philhealth na mag renta ang ahensya ng tanggapan nito sa Pangasinan sa isang gusali na pag aari ng kaniyang pamilya.

Nadawit naman ang kapatid ni Duque dahil lumalabas sa imbestigasyon na tumayo ito bilang kinatawan ng SSS sa board of directors ng Philhealth.

Ang mga naturang reklamo ay ibinase sa mga naging pagbubunyag ni Senador Panfilo Lacson na si Duque at pamilya nito ang may ari ng EDMC o Educational and Medical Development Corporation building kung saan nag o opisina ang Philhealth Office sa Dagupan.