Maynilad at Manila Water pinagmumulta na ng MWSS

0
54

Tinanggap na ng Maynilad ang ipinataw na multa ng MWSS Regulatory Office dahil sa water service interruption sa Barangay C.A.A o Captain Albert Aguilar sa Las Piñas.

Sinabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty na bigo ang Maynilad na sumunod sa obligasyon nito sa ilalim ng concession agreement.

Mahigit 15 araw nawalan ng supply ng tubig ang mga customer ng Maynilad sa nasabing lugar kaya’t makakatanggap ng rebate na 2,500 pesos ang mga naapektuhan ng water interruption.

Ang nasabing halaga ay ibabawas sa water bill simula sa susunod na buwan.

Maliban sa Maynilad, pinagmumulta rin ng MWSS-RO ang Manila Water para magbigay ng 2, 197 pesos na rebate sa mga apektadong consumer ng water service interruption sa east concession area.