Urban dictionary meaning ng ‘Duterte’ sinalungat ni Panelo

0
53

“Matapat, matapang, at politically willed person,”

Ganito isinalarawan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Taliwas ito sa inilabas na kahulugan ng Urban Dictionary para sa salitang ‘Duterte’, kung saan dito nakasaad na ang ‘Duterte’ ay katumbas ng mga salitang ‘traydor’, ‘manloloko’, at ‘low quality’.

Kaugnay nito, hindi naman mamasamain ng Malacañang ang pag-publish ng Urban Dictionary sa salitang ‘Duterte’ ng may hindi magandang kahulugan.

Paliwanag pa ni Panelo, kuwestiyunable naman ang kredibilidad ng naturang online dictionary dahil hindi naman ito kagaya ng Merriam Dictionary kung saan tiyak na totoo at hindi mapanira ang mga nakalathala dito.

Dagdag pa nito, hindi na rin ito palalakihin pa ng Malacañang lalo na’t hindi naman rin tiyak kung ang tinutukoy sa naturang dictionary ay ang pangulo.