Foreign vessels na dadaong sa Pilipinas kailangan nang humingi ng clearance sa pamahalaan – Panelo

0
44

Kailangan nang humingi ng clearance mula sa pamahalaan ang lahat ng foreign vessel na dadaong sa teritoryo ng Pilipinas.

Ito mismo, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ay upang matigil na ang anumang tensiyon sa hinaharap sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Panelo, ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na simula ngayong araw na ito ay hindi na maaring dumaan sa karagatang sakop ng Pilipinas ang mga foreign vessels kung wala itong permiso mula sa gobyerno.

Una rito, ikina-alarma ni Defense Secretary Delfin Lorenza ang pagdaan ng ilang Chinese warships sa karagatang sakop ng Pilipinas ng walang permiso mula sa pamahalaan.

Dagdag pa ni Panelo, tiwala naman sila na tatalima ang mga foreign vessels sa kautusang ito, ngunit sakaling maliitin lamang ito ng ibang bansa, handa ang pamahalaan na ipakita ang puwersa nito.

Matatandaang muli na namang naispatan ng Armes Forces of the Philippines (AFP) ang isang Chinese coast guard vessel sa Ayungin Shoal na sakop ng  exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.