‘Open-minded approach’ sa pagbabawal sa presensya ng otoridad sa mga state universities ipinanawagan

0
66

Nanawagan si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa higit na open-minded approach sa isang polisiya na nagbabawal sa presensya ng mga otoridad sa loob ng campus ng state universities.

Sinabi ni Dela Rosa na dapat na maging open-minded ang lahat lalo’t hindi naman lahat ng mga estudyante ay iba ang tingin sa mga pulis at sundalo at iilan lamang ang mga aktibistang ayaw na ayaw ng presensya ng mga ito sa kanilang campus.

Ayon pa kay Dela Rosa, one sided ang kasunduan noong 1989 ng University of the Philippines (UP) at Department of National Defense (DND) na nagba-ban sa mga pulis at sundalo na pumasok sa UP para magsagawa ng lecture sa posibleng karera sa armed services gayung malayang-malaya na makapasok sa mga eskuwelahang ito ang mga maka kaliwa.

Binigyang diin ni Dela Rosa na kung nais magkaroon ng academic freedom, bigyan ng kalayaan ang lahat ng mga estudyante na pumanig kung saan nila gustong pumanig.

Una nang sinimulan ni Dela Rosa sa pamamagitan nang pinamumunuang committee on public order and dangerous drugs ang imbestigasyon sa umano’y recruitment ng mga estudyante na ang ilang kaso ay pagkawala ng mga ito matapos umanong sumali sa mga makakaliwang grupo.