Universal Health Care bill isinalang na sa bicam

0
48

Isasalang ang Universal Health Care bill sa bicameral conference committee meeting ngayong araw.

Ayon kay Senate committee on health chair Senator JV Ejercito, layon nitong maresolba ang ilang isyung hindi mapagkasunduan ng Kamara at Senado sa naturang panukalang batas.

Pumayag na aniya ang Kamara na ang Senate version ang siyang gamiting working draft sa bicam.

Target na matapos ang bicam ngayong linggo para mailatag naman ang bicam report sa susunod na linggo.

Umaasa ang Kongreso na maisasapinal ang panukalang batas para maipasa at malagdaan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ang kapaskuhan.