Halos 6,000 pulis ipapakalat sa NCR para sa state visit ni Chinese President Xi Jinping

0
43

Plantsado na ang ilalatag na seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagdating ni Chinese President Xi Jinping bukas.

Ayon kay NCRPO Chief Supt. Guillermo Eleazar, halos animna libong (6,000) pulis ang kanilang ipapakalat upang panatiling maayos at ligtas ang pgadalaw ng Chinese president sa bansa.

Nagpaalala naman si Eleazar sa mga nagnanais na magsagawa ng kilos protesta na mag-rally lamang sa mga itinakdang freedom park.