Saturday, May 18, 2024

MTRCB nilinaw wala sa kanilang poder ang pag-sensor sa teleseryeng ‘Ang Probinsyano’

- Advertisement -

Nilinaw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na wala sa kanilang poder ang pag-sensor sa teleseryeng Ang Probinsyano.

Kasunod ito ng pagpalag ng Philippine National Police (PNP) sa portrayal ng mga pulis sa naturang teleserye.

Ayon kay MTRCB chair Rachel Arenas, hindi nila maaring ipag-utos na itigil ng produksiyon ng teleserye ang hindi magandang pagsasalarawan sa mga pulis.

Magagawa lamang aniya ng MTRCB ay ang mamagitan sa dalawang panig upang malinawan at matuldukan na ang isyu.

Makakasama sa magiging meeting ngayong linggo ang production ng Ang Probinsyano, opisyal ng PNP at Department of Interior and Local Government (DILG).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -