Unitary drug list dapat na iberipika ng mga LGUs — VP Robredo

0
22

Nanindigan si Vice President Leni Robredo na mas malaki ang tsansa na mapag-tatagumpayan ang war on drugs kung mayroong “reliable” na narco list.

Ayon kay Robredo, dapat na i-beripika ng mga LGU o Local Government Units ang mga unitary drug list upang matukoy kung saan lugar talamak ang iligal na droga.

Aniya, dapat din na tiyakin ng mga otoridad na mababawasan na ang buhay na mabubuwis nang dahil lang sa kampanya kontra iligal na droga.

Una rito, iginiit ni Robredo na maituturing lamang na matagumpay ang war on drugs sa dami ng buhay na napag-bago ng pamahalaan at hindi sa bilang ng mga napatay sa mga operasyon kontra iligal na droga.