Mga maaarestong vape users dapat kuwestiyunin at dumulog sa korte — IBP

0
37

Dapat kuwestiyunin at dumulog sa korte ang mga maaarestong vape users.

Ito ang binigyang diin ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) matapos ipag-utos ni Pang. Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Atty. Domingo Cayosa, maaring pumalag at mag-reklamo ang sino man, lalo na’t kung sa tingin nila ay naagrabyado at hindi tama ang ginawang pag-aresto sa kanila.

Paliwanag ni Cayosa, wala pang batas sa ngayon na nag-babawal sa paggamit ng vape sa bansa.

Aniya, ang umiiral na executive order ngayon ay para lamang sa paggamit ng tobacco products sa mga pampublikong lugar.

Una rito, nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na maari namang gumamit ng vape sa mga designated area.