Friday, May 10, 2024

Unemployment rate sa bansa inaasahang bababa ng 10% ngayong taon

- Advertisement -

Inaasahang bababa ng 10% ang unemployment rate sa bansa bago matapos ang taon ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Finance kaugnay sa proposed P27.5B budget ng DOLE para sa susunod na taon, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inaasahan na rin nila ang pagbuti ng kondisyon ng ekonomiya ng bansa bago matapos ang kasalukuyang taon at sa 2021.

Aniya, mula sa 17.7% na unemployment rate noong Abril kanyang nakikita ang pagbaba nito sa 10.4% bago matapos ang taon.

Samantala, una nang sinabi ng National Economic and Development Authority NEDA na kanilang inaasahan ang pagbaba ng unemployment rate sa 6.5% hanggang 7.5% pagsapit ng taong 2021.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -