Traslacion pinag-aaralang kanselahin

0
47

Pinag-aaralan na ng pamunuan ng simbahan ng Quiapo na kanselahin ang tradisyon na Traslacion ng itim na Nazareno sa darating na Enero, dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa Vicar ng Minor Basilica of the Black Nazareno na si Fr. Douglas Badong, tinitignan na nila kung paano idaraos ang kapistahan ng Quiapo ng ligtas.

Gayunman, nilinaw naman nito na prusisyon lamang sa Luneta park ang kanilang ikinokonsiderang ikansela at balak nilang ituloy parin ang misa sa Quiapo Church sa pista ng itim na Nazareno.

Ang traslacion ay isa sa itinuturing na pinakamalalaking relihiyosong aktibidad sa bansa kung saan dinadagsa ito ng milyun-milyong deboto kada taon.