31.6 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Pagbasura ng kongreso sa planong pagbibitiw ni Cayetano iginagalang ng Pangulo

- Advertisement -

Nirerespeto umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging desisyon ng mga mambabatas na ibasura ang alok na pagbibitiw sa pwesto ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod narin ng pagkumpirma nito sa muling pagkikita ni Pangulong Duterte at ni Cayetano nitong Miyerkules ng gabi sa Malakanyang.

Kasama naman ni Cayetano ang misis niong si Taguig Representative Lani Cayetano, Senator Pia Cayetano at maging si Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva at Senator Bong Go.

Sa ngayon ay ipapaubaya na lang aniya ng Pangulo ang desisyon kaugnay sa House Leadership sa bawat miyembro ng kamara.

Dagdag pa ni Roque, internal matter na umano para sa kamara ang pagpili ng liderato at kahit aniya korte suprema ay hindi maaaring makialam sa naturang usapin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -