Unang Pinoy na gumaling sa COVID-19, nakauwi na —DOH

0
21

Nakauwi na ang kauna-unahang Pilipino na gumaling sa coronavirus disease  2019 (COVID-19).

Ayon sa  Department of Health (DOH), ang pasyente na nakarekober sa virus ay si PH-14 na isang  46  na taong gulang na lalaki na nagpakita ng sintomas gaya ng ubo at lagnat noong Pebrero 25, 2020.

Dinala ito sa Makati Medical Center noong Marso 5 at nakumpirmang positibo ito sa COVID-19 noong Marso 9.

Samantala, dalawang beses naman nag negatibo sa COVID-19 ang naturang pasyente bago pinauwi.