LGU natabunan ang ipinatupad na curfew hours dahil sa enhanced community quarantine

0
17

Superseded o natabunan na ang ipinatupad na curfew hours ng mga Local Government Units.

Ito ang inihayag ni Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos na ideklara ang enhanced community quarantine sa buong Luzon simula kaninang hating gabi.

Ayon kay Nograles, maituturing nang 24 hours-curfew ang enhanced community quarantine kung saan ang layunin ay manatili lamang ang lahat sa kani-kanilang mga tahanan.

Dagdag ni Nograles, limitado lamang ang paglabas sa bahay kung saan ang posible lamang puntahan ay ang mga piling establisyemento na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at gamot.

Iginiit ni Nograles, iisang miyembro lamang ng pamilya ang maaaring lumabas ng bahay para dito.