Enhanced community quarantine sa Luzon, maaaring umiksi o palawakin pa —Nograles

0
18

Maaaring umikli o mapahaba pa ang umiiral na enhanced  quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, naka-depende ito sa magiging sitwasyon sa mga darating na mga araw.

Aniya, ito ang dahilan kung kayat araw-araw mag pupulong ang Inter-Agency Task Force (IATF)  para alamin ang progreso ng pina-iral na mga hakbang ng pamahalaan.

Samantala, nilinaw naman ni Nograles na nasapawaan na ng strict implementation ng home quarantine ang idineklarang curfew ng pamahalaan.