Unang pagkasawi dahil sa COVID-19 sa Maynila naitala

0
20

Nakapagtala na ng unang nasawi dahil sa COVID-19 sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, linggo ng gabi nasawi si patient number 12.

Residente ng Sampaloc, Maynila ang pasyente at na-admit sa ospital na nasa labas ng Maynila.

Samantala mayroong limang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila.